Jail guards sa maximum security sa Bilibid, pagsusuotin ng body camera – BuCor

Bibigyan ng body cameras ang mga bagong guwardiya na itinalaga sa Maximum Security Compound (MaxSeCom) ng New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director- General Gregorio Catapang Jr., nakabili na sila ng inisyal na 76 body cameras.

Aminado ang opisyal na may kamahalan ang mga ito pero unti-unti silang bibili ng mga body camera.

Bahagi ito ng mga reporma na ipatutupad sa BuCor upang matiyak na nagagampanan nang maayos ng jail guards ang kanilang trabaho.

Sinabi pa ni Catapang na aalisin na rin ang locker ng mga guwardiya sa MaxSeCom at maging ang mga bulsa sa uniporme ng duty guard ay tatanggalin upang walang maipuslit na pera at cellphones.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *