Japanese encephalitis, mataas ang fatality rate ayon sa DOH

Nakapagtatala ng mataas na fatality rate ang Japanese encephalitis.

Ito ang inihayag ni Health Secretary Paulyn Ubial matapos na maitala na may  mahigit sa limampung kaso na ang J. E.

Lima na rin aniya ang namatay sanhi ng nasabing sakit.

Ayon kay Ubial, nais pa nilang pataasin ang public awareness ng naturang sakit upang agad na maagapan ang sinomang makararanas nito.

Sinabi din ng kalihim na nais niyang maipasama ang bakuna para sa mosquito-borne disease na mapabilang sa National immunization program ng bansa sa 2018.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *