JBC binuksan na ang aplikasyon para sa babakantehing pwesto ni retiring SC Justice Edgardo delos Santos

Maaari nang magsumite ng aplikasyon o rekomendasyon sa Judicial and Bar Council (JBC) ang mga interesadong aplikante sa puwesto na babakantehin ni retiring Supreme Court Associate Justice Edgardo delos Santos.

Sa abiso ng JBC, sinabi na dapat bisitahin hanggang sa July 16,2021 ng mga aplikante ang official JBC website at i-access ang Online Application Scheduler.

Isusumite ng mga aplikante ang kumpleto at digitized version ng kanilang letter of intent at documentary requirement sa pamamagitan ng email sa pinili nilang petsa at oras sa Online Application Scheduler.

Kabilang sa mga requirements na kailangang isumite ng mga aplikante ay ang kanilang SALN.

Binigyang-diin ng JBC na kung mabigong magsumite ng SALN ang aplikante ay batayan ito para sa diskwalipikasyon.

Epektibo sa June 30 ang pagreretiro ni Justice Delos Santos matapos aprubahan ng Korte Suprema ang optional retirement nito.

Nagpasya si Delos Santos na magretiro nang maaga dahil sa kalagayan ng kalusugan nito.

Moira Encina

Please follow and like us: