Jolo, Sulu, inilagay na sa lockdown matapos ang madugong pambobomba

Inilagay na sa lockdown ng Philippine National Police (PNP)  ang Jolo, Sulu matapos ang twin bombing na pumatay sa 27 katao at ikinasugat ng 98 iba pa sa Mount Carmel cathedral ng Barangay Walled city.

Ayon kay PNP Director General Oscar Albayalde, nagtalaga na rin ng mga roadblocks at checkpoints upang mamonitor ang lugar.

Ipinasara na rin ang mga business establishments, mga tindahan at pinaiiwas na rin ang mga taong dumaan sa mga kalye sa Jolo.

Nauna nang inilagay ng PNP sa high alert ang buong lalawigan ng Sulu at mas pinaigting pa ang seguridad.

Inaalam pa ng pulisya kung “cellphone-detonated” ang improvised explosives device na ginamit na pampasabog dahil sa 12 -15 segundong timing sa magkasunod na pagsabog.

 

Ulat ni Ely Dumaboc

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *