Judge na nag-convict sa isang Canadian drug trafficker, nanguna sa shortlist para sa bakanteng puwesto sa Sandiganbayan

Inilabas na ng Judicial and Bar council ang shorlist para sa binakanteng puwesto sa Sandiganbayan ni Supreme Court Justice Alexander Gesmundo.

Nanguna sa shorlist si Makati City Regional trial court Judge Gina Bibat-Palamos na naggawad ng record-breaking na conviction sa isang Canadian drug trafficker matapos desisyunan ang kaso sa loob ng isang buwan.

Nakakuha si Judge Palamos ng anim na boto mula sa 7 JBC members.

Si Palamos ang naghatol ng habambuhay na pagkabilanggo sa Canadian na si Jeremy Douglas Harold Arthur Eaton matapos bentahan nito ang isang Undercover agent ng 160 piraso ng ecstasy pills sa Makati City.

Ipinag-utos ng nasabing judge ang conviction ni Eaton noong August 31, 2016 isang buwan matapos ihain ang kaso laban dito noong July 13, 2016.

Pasok din sa shorlist si Makati RTC Judge Ronald Moreno na may 5 boto, Sta. Cruz Laguna RTC Judge Divinagracia Bustos-Ongkeko at Ligao, Albay RTC Judge Edwin Maalat na may tig-apat na boto.

 

Ulat ni Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *