Justice Jose Abad Santos General Hospital, lilimitahan ang pagtanggap ng mga pasyenteng buntis

Lilimitahan muna ng Justice Jose Abad Santos General Hospital sa Maynila ang pagtanggap ng mga pasyenteng buntis.

Sa isang anunsyo mula sa Manila City Health Office, ang tatanggapin lang muna nila ay mga non-covid na malapit ng manganak.

Ito ay dahil sa puno na rin umano ang non-covid wards at recovery room ng pagamutan.

Umaabot na umano sa 240% ang occupancy rate ng kanilang non-covid wards at recovery room.

Mananatili umano ang limitasyon sa pagtanggap ng OB-Gyne admission hanggang sa ma-discharge na ang karamihan sa kanilang pasyente.

Madz Moratillo

Please follow and like us: