Justice Sec. Guevarra binigyang pugay si dating Pangulong Aquino

Nagbigay pugay si Justice Sec. Menardo Guevarra sa pumanaw na si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Si Guevarra ay nanungkulan bilang Deputy Executive Secretary for Legal Affairs ng Aquino government noong 2015.

Ayon kay Guevarra, isang ‘colossal task’ ang pamunuan ang bansang gaya ng Pilipinas na may malaking social, economic at political challenges.

Ang sinuman aniyang tumanggap sa responsibilidad na ito gaya ni Aquino ay nararapat na igalang, hangaan, at pasalamatan.

Para kay Guevarra, isa sa mga pinakamalaking desisyon ni Aquino ay ang komprontahin ang China sa international tribunal ukol sa isyu sa West Philippine Sea.

Tanging ang kasaysayan lamang aniya ang huhusga kung ito ang pinakamahusay na pasya ng dating punong ehekutibo.

Moira Encina

Please follow and like us: