Justice Sec. Vitaliano Aguirre direktang mangangasiwa sa operasyon ng Bureau of Corrections

Direktang pangangasiwaan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang operasyon ng Bureau of Corrections habang wala pang naitatalagang bagong hepe ang kawanihan.

Matatandaan na naghain ng kanyang irrevocable resignation si retired General Benjamin delos Santos bilang BuCor Director General dahil sa isyu ng panunumbalik ng illegal drug trade sa bilibid.

Pero batay sa Department Order 505 na pirmado ni Aguirre, tinukoy na dahilan ay ang indefinite leave of absence ni delos Santos.

Una nang itinalaga ni Aguirre bilang OIC ng BuCor si Rey M. Raagas na hepe ng  administrative division nito.

Kaugnay nito inaatasan ang lahat ng mga opisyal at kawani ng BuCor na isumite at idulog sa Justice Secretary ang lahat ng  mga usapin na lagpas na sa otoridad ng BuCor Officer-in-Charge.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *