Kada Umaga hosts pumunta na ng Dubai para sa “Let’s Net-together Kabayan”

Umalis na patungong Dubai sa United Arab Emirates ang ilang NET25 artists at talents para sa “Let’s Net-together Kabayan” ng NET25 na idaraos sa November 19 sa The Agenda, Media City.

Ito ang kauna-unahang variety show ng NET25 na gaganapin sa labas ng Pilipinas.

Courtesy: Radyo Agila

Kasama sa Let’s NET together sa Dubai ang mga Kada Umaga host na sina Pia Guanio, Tonipet Gaba, Wej Cudiamat, at Diana Meneses na lumipad na nitong Huwebes patungong UAE.

Courtesy: Radyo Agila

Sabik at naghahanda na ang mga Kada Umaga host sa programa na tiniyak nilang magiging sobrang masaya dahil sa makakasama rin sa Dubai sina Tito, Vic and Joey at ang Quizon CT crew at iba pang artista.

Courtesy: Radyo Agila

Nagpapasalamat naman ang Kada host sa tiwala na ibinigay sa kanila na maging bahagi ng Let’s NET Together.

Makakasama rin sa Dubai show ang mga aktor na sina Ruru Madrid at Empoy Marquez.

Iniimbitahan ng NET25 hosts ang mga kababayang Pilipino sa Dubai at mga kalapit na lugar na panoorin ang Let’s NET together sa darating na Sabado lalo na’t minsan lang magkasama-sama sa ganoong kalaking event ng NET25 artists.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *