“Kadiwa ng Pangulo” inilunsad sa San Jose Del Monte, Bulacan

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng “Kadiwa ng Pangulo” project sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Layon ng ”Kadiwa ng Pangulo” na gawing accessible sa publiko ang mga mura at abot-kayang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Bukod sa mga mamimili, malaking tulong rin umano ito sa mga magsasaka, mangingisda at maliliit na negosyante.

Tinatayang nasa 50 sellers ang kalahok sa nasabing Kadiwa program.

Nabatid na mula ng ilunsad ang KNP noong Pebrero, umabot na sa P5.3 milyon ang kinita nito.

Inaasahang madadagdagan pa ito sa oras na mabuksan na rin ang mas maraming Kadiwa outlets ngayong taon.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *