Kai Sotto nakapaglaro na sa NBA 2023 Summer League

Sa wakas ay nakapaglaro na rin sa NBA 2023 Summer League ang Pinoy 7-foot-3 center na si Kai Sotto.

Ipinasok si Sotto sa second quarter ng laro laban sa Portland Trade Blazers habang sinalubong ito ng hiyawan ng mga Pinoy fans na dumalo sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Sa kaniyang NBA debut, nakapagtala ang Pinoy sensation ng six points, 3 rebounds, 4 blocks, at isang assists sa loob ng 11 minutes playing time.

Sa nakalipas na tatlong laro ng Orlando Magic, nabangko si Sotto o nalagay sa did-not-play o DNP coach’s decision.

Umani ng batikos mula sa mga Pinoy netizens ang Orlando Magic at Summer League coach na si Dylan Murphy matapos umanong paasahin ang fans kaugnay sa hindi pagbibigay ng minuto kay Sotto.

Makikita sa mga social media pages ng koponan na hindi natutuwa at puro “angry” reactions ang mga Filipino fans sa bawat posts ng Magic.

Weng dela Fuente

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *