Kamara nagpalabas ng show cause order laban sa hepe ng BFP

Nagpalabas na ng show cause order ang Kamara laban sa hepe ng Bureau of Fire Protection.

Ito ay matapos hindi makasipot si Chief Supt. Bobby Baruelo sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa Resort’s World incident.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Farinas, kailangang magpaliwanag si Baruelo kung bakit hindi ito dapat ma-cite for contempt.

Sa joint investigation ng House Committees on Public Order and Safety, Games and Amusement at Tourism pawang mga kinatawan lamang ng BFP ang dumating dahil may nauna umanong appointment si Baruelo.

Sinabi ni farinas na kailangang makaharap na sa mga susunod na pagdinig ang hepe ng BFP.

Sa pagdinig kahapon iginigiit ng mga kinatawan ng BFP na hindi sila naging mabagal sa pagtugon.

Nakaapekto lang umano ang makapal na usok at naghintay pa sila ng go signal na ligtas ng umakyat sa ikalawang palapag ng casino para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga tauhan.

Ulat ni : Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *