Kampo ni dating Pangulong Aquino maghahain ng apela kaugnay sa Mamasapano massacre

Maghahain ng apela ang kampo ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa Ombudsman matapos irekomenda ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya kaugnay ng Mamasapano massacre noong 2015.

Inamin ng dating Pangulo na nabahala siya sa naging hakbang ng Ombudsman, ngunit naging ugali na niyang paghandaan ang worst case scenario.

Aminado rin ang dating Pangulo ,na hindi magiging madali para sa kanila ang sitwasyon lalo pa’t ito ang kauna-unahang pagkakataon na masasampahan siya ng kaso.

Gayunman, umaasa si Aquino na mananaig ang katotohanan at mapatutunayang wala siyang pagkakasala sa trahedyang ikinasawi ng apatnapu’t apat (44) na miyembro ng  Special Action Force commandos.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *