Kampo ni dating Senador Bongbong Marcos tinawag na sinungaling ang kampo ni Vice President Leni Robredo

Isa malaking kasinungalingan ang pahayag ni Atty Romulo Macalintal na alam ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos ang outing ng mga PET Head Revisors at party revisors ni Vice President Leni Robredo sa Pansol, Laguna.

Iginiit ni Atty Victor Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, na walang katotohanan ang sinabi ni Macalintal na imbitado sila at nagpadala pa si Marcos ng pagkain sa swimming party ng mga revisors.

Ayon kay Rodriguez, hindi nagsisinungaling ang mga litrato sa nasabing outing.

Malinaw na ebidensya anya ang mga naturang larawan ng pool party kung papaano iniimpluwensyahan at kinukurap ng mga revisor ni Robredo ang mga tauhan ng PET.

Sinabi ni Rodriguez na hinding-hindi gagawin ng kampo nila ang pamamaraang ginawa ni Robredo na ang layunin ay maimpluwensyahan at makurap ang mga tauhan at empleyado ng PET na nagsasagawa ng recount.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *