Kampo ni VP Robredo idinepensa ang outing mga revisors nito kasama ang mga pet head revisors

Walang nakikitang mali ang kampo ni Vice-President Leni Robredo sa outing ng mga Head Revisors ng Presidential Electoral Tribunal kasama ang mga revisors ng Pangalawang-Pangulo sa isang resort sa Pansol, Laguna.

Iginiit ng abogado ni Robredo na si Romulo Macalintal na walang iligal o unethical sa outing.

Dapat pa nga anyang purihin ang mga PET Head Revisors sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad para mabawasan ang tensyon sa nagpapatuloy na manual recount.

Katwiran pa ni Macalintal lahat ng mga revisors sa parehong kampo ni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos ay inimbitahan sa outing.

Katunayan anya ay ang kampo ni Marcos ang sumagot sa pagkain sa swimming batay sa kanilang revisor.

Alam anya tiyak ng mga revisors ang limitasyon ng kanilang relasyon na hindi makokompromiso ang integridad ng recount.

Ang mga tao lang anya na may mapaghinalang pagiisip ang makakakita ng mali sa anyay “very trivial matter”

Naghain sa PET ng manifestation of grave concern with extremely urgent motion to investigate ang mga abogado ni Marcos kung saan inihihirit nito na imbestigahan ang nangyaring “outing” noong June 22, 2018 sa isang resort sa Pansol Calamba City sa Laguna kung saan present ang 24 na head revisors ng PET at ang mga party revisors ni Robredo sa pangunguna ng isang Osmundo Abuyuan.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *