Kapangan, Benguet Municipal compound, inilagay sa lockdown dahil sa mga bagong kaso ng Covid-19

Isinailalim sa temporary lockdown ang Municipal compound ng Kapangan, Benguet.

Ayon sa Memorandum ni La Trinidad, Benguet RTC Executive Judge Marietta Brawner-Cualing, ito ay para bigyang-daan ang contact tracing, testing, quarantine, at disinfection dahil sa mga bagong kaso ng Covid-19 sa lugar.

Kaugnay nito, iniutos ng Hukom ang pisikal na pagsasara ng Kapangan-Kibungan Benguet Municipal Circuit Trial Court na matatagpuan sa Kapangan Municipal Hall.

Habang naka-lockdown ay tatanggap ang korte ng mga pleadings at motions sa pamamagitan ng e-mail.

Maaari ding magsagawa ng videoconferencing hearings mula sa bahay ang mga hukom at magtatrabaho mula sa bahay ang mga kawani.

May skeleton-staff naman na papasok sa Korte kung posible at kung papayagan na makapasok sa munisipyo.

Moira Encina

Please follow and like us: