Karagdagang 12 overseas Filipino, nagpositibo sa Covid-19

Labindalawa pang Filipino sa ibang bansa ang nagpositibo sa Covid-19.

Ito ang lumabas sa pinakahuling datos ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Dahil dito, umakyat na sa 18,325 ang kabuuang kaso ng virus infection sa hanay ng ating mga kababayan sa ibang bansa.

Samantala, nakapagtala rin ang DFA ng 13 pang nakarekober sa Covid-19.

Habang wala namang karagdagang mga namatay kaya nanatili sa 1,145 ang death toll sa kanilang hanay sanhi ng Covid-19.

Please follow and like us: