Karagdagang 13 overseas Filipino, nagpositibo sa Covid-19

Nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng karagdagang 13 kababayan natin sa ibang bansa na tinamaan ng Covid-19.

Dahil dito, batay sa datos ng DFA, umakyat na sa 18,357 ang kabuuang kaso ng virus infection sa hanay ng overseas Filipino.

Gayunman, nakapagtala ng bagong 16 mga gumaling sa Covid-19 kaya sumampa na 11,349 ang recovery rate.

Wala namang naitalang bagong mga pumanaw sa karamdaman kaya nananatili sa 1,159 ang death toll.

Please follow and like us: