Karagdagang 96 kaso ng Covid-19, naitala sa hanay ng PNP

Pumalo na sa 30,524 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa hanay ng Pambansang Pulisya namay 1,211 aktibong kaso.

Ito’y matapos makapagtala ang PNP Health Service ng karagdagang 96 na mga kaso sa nakalipas na 24 oras.

Samantala, umakyat pa sa 29,229 ang kabuuang nakarekober sa karamdaman matapos makapagtala ng panibagong 29 na mga gumaling sa sakit.

Nanatili naman sa 84 ang death toll ng PNP sa virus infection.

Please follow and like us: