Karagdagang mga kaso ng Covid-19 ngayong Huwebes, naitala sa 6,637

Nakapagtala ang Department of Health ng 6,637 bagong mga kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,080, 172 ang kabuuang kaso ng COVID 19 na naitala sa bansa.

Sa bilang na ito, 63,170 ang aktibong kaso.

May 6,091 namang naitalang bagong gumaling mula sa sakit.

Sa ngayon, umabot na sa 999,011 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 191 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Kaya, umakyat na sa 17,991 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa Covid 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: