Kasalukuyang work arrangements sa SC, mananatili mula Dec. 1

Patuloy na fully operational ang Korte Suprema simula sa December 1 sa kabila ng pinangangambahang bagong COVID variant na Omicron.

Sa memorandum order na inisyu ni Chief Justice Alexander Gesmundo, walang magiging pagbabago sa kasalukuyang working arrangement sa Korte Suprema simula sa Miyerkules.

Sa umiiral na work arrangement directives, fully operational ang lahat ng tanggapan ng Supreme Court pero kalahati ng mga empleyado ang papasok ng Lunes, Martes, at Miyerkules at ang kalahati ay sa Huwebes, Biyernes, at Sabado para maobserba pa rin ang physical distancing.

Work from home naman ang mga kawani ng SC sa dalawang araw na hindi sila naka-iskedyul na pumasok sa opisina.

Samantala, mananatili na limitado pa rin ang personal filing sa SC simula Disyembre 1.

Moira Encina

Please follow and like us: