Kaso ng Covid-19 sa Biñan City, Laguna, patuloy ang pagbaba

Mahigit 30 na lamang ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Biñan City, Laguna.

Batay sa datos ng Biñan City Epidemiology and Surveillance Unit, makikita ang patuloy na pagbaba ng aktibong kaso ng Covid sa lungsod.

Mula sa 460 na active Covid case noong August 29 na pinakamataas na naitala sa Biñan ay naging 147 na lang ito noong October 5.

At nitong November 5 ay 39 na lamang ang kaso ng Covid sa Biñan.

Dahil dito, tiwala ang lokal na pamahalaan na pagdating ng Disyembre ay makakamit nila ang zero active case sa buong lungsod.

Sa kabuuan ay umabot na sa 1,764 ang gumaling na Covid-19 sa Biñan.

Moira Encina

Please follow and like us: