Kaso ng Covid-19 sa Laguna, umabot na sa mahigit 5,000

Umakyat na sa mahigit 5,000ang bilang ng mga nagpositibo sa Covid-19 sa Laguna.

Ito ay isang araw bago ibalik sa General Community Quarantine ang probinsya.

Sa pinakahuling tala ng Laguna Provincial Health Office, kabuuang 5,513 ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa lalawigan.

Pero, nakarekober na mula sa sakit ang 2,876 na pasyente.

Umaabot na lamang sa 2,493 ang mga aktibong kaso o ang mga nagpapagaling at ginagamot pa.

Naitala ang pinakamaraming kaso ng virus sa Santa Rosa City na 1,214.

Sumunod ang Calamba City na 1,026 Covid cases at ikatlo ang Biñan City na mayroong 999 kaso.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: