Kaso ng “NARCO-GENERALS” pinababantayan ng PMA Alumni Association

Pinamo-monitor ng PMA Alumni Association Incorporated ang kaso ng limang heneral na kasamang tinukoy ng pangulo na umanoy sangkot sa operasyon ng illegal na droga.

Kabilang na rito sina Police Director Joel Pagdilao, Police Chief Supt.Edgardo Tinio, Police Chief Supt. Bernardo Diaz, retired Gen. Marcelo Garbo at ret.Chief Supt.Vicente Loot na pawang mga alumni ng PMA.

Ayon kay PMAAAI President Police Dir. Leo Angelo Leuterio, simula nang inaanunsyo ng pangulo ang pangalan ng mga heneral ay agad na nilang isinama ang mga ito sa watchlist na ng PMAAI commitee on professionalism.

Oras kasi na ma convict sa kaso ang sinuman sa mga PMA cavalier aktibo man sa serbisyo o hindi ay agad itong aalisin bilang myembro ng PMA Alumni.

Bilang mga alumni ng PMA, kailangan nilang mamuhay nang naaayon sa kanilang core values na Courage, Integrity and Loyalty.

Samantala, nakatakda namang tumaggap ng cavalier award ang ilang natatangging alumni ng PMA sa gaganaping homecoming bukas sa Baguio City.

Kabilang na rito sina Col. Juario Marayag ng PMA Class 1993 na tatanggap ng cavalier award for navy operations Senior Supt. Jonnel Estomo ng Class 1992 para sa police operations Lt.Col.Eugenio Boquio ng Class 1992 para sa army operations at si Col. Loreto Pasamonte ng Class 1993 para sa air operations.

Magsisilbi namang guest of honor sa homecoming ngayon taon ang bilyonaryong si Mr.Enrique Razon ng International Container Terminal Services na nakatakda ring manumpa bilang pinaka bagong honorary member ng PMA.

Ulat ni Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *