Kautusan ng Cebu provincial government na optional na ang pagsusuot ng facemask pag-uusapan ng IATF – Malakanyang

Ipinauubaya ng Malakanyang sa Inter Agency Task Force o IATF kung ano ang magiging hakbang sa ipinalabas na kautusan ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na optional na ang pagsusuot ng face mask sa mga Cebuano.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na nasa kamay ng IATF ang pagpapasya sa mga ipinanatutupad na health protocol kaugnay ng pagkontrol ng pamahalaan sa patuloy na paglaganap parin ng COVID-19.

Ayon kay Andanar, inihayag mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa June 30 ay patuloy na ipatutupad ang pagsusuot ng face mask na siyang first defense ng publiko laban sa coronavirus.

Magugunitang noong kasagsagan ng pandemya ng COVID -19 isa ang Cebu sa may pinakamalaking problema sa kaso ng COVID- 19.

Vic Somintac

Please follow and like us: