Kautusan para sa whole of government approach sa COVID-19 pandemic economic recovery program ng bansa, Pinirmahan ni Pangulong Duterte

Naglabas ng Executive Order o EO si Pangulong Rodrigo Duterte para sa whole of government approach COVID-19 pandemic economic recovery program ng pamahalaan.

Batay sa EO 166 pinatitiyak ng Pangulo sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na makatugon ang mga ito sa mga policy na inilatag ng national government na may kinalaman sa economic recovery dulot ng COVID- 19 pandemic.

Nakasaad sa kautusan ng Pangulo ang tuluyang pagbubukas ng ekonomiya, expansion ng public transport capacity at pagbabawas ng mga restriction sa mga domestic travel.

Inatasan din ng Pangulo ang National Economic Development Authority o NEDA na i-monitor ang compliance ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa EO 166.

Vic Somintac

Please follow and like us: