KKW Fragrance isasara muna ni Kim Kardashian para sa rebranding

Kim Kardashian attends the 2022 Vanity Fair Oscar Party hosted by Radhika Jones at Wallis Annenberg Center for the Performing Arts on March 27, 2022 in Beverly Hills, California. Frazer Harrison/Getty Images/AFP 
Frazer Harrison / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP

Inanunsiyo ni  Kim Kardashian na pansamantala muna niyang isasara ang website ng popular niyang KKW Fragrance line sa simula ng Mayo, bilang bahagi ng isang rebranding initiative.

Inihayag ng 41-anyos na reality star ang kaniyang desisyon sa kaniyang Instagram story, kung saan sinabi niya na ang website ay inaasahang isasara sa hatinggabi ng May 1, para muling maglunsad ng fragrance line sa hinaharap sa ilalim ng bagong pangalan.

Bilang karagdagan sa pagpapalit ng pangalan, sinabi ni Kardashian na ang relaunch ay kapapalooban din ng bagong web store, kung saan makabibili ng lahat ng beauty categories sa ilalim lamang ng isang site.

Aniya . . . “Fragrance as many of you know is deeply personal for me. I put my heart and soul into every bottle, and I’m so incredibly proud of every KKW Fragrance product and collaboration that we have launched since Crystal Gardenia in 2017. Thank you from the bottom of my heart for your loyalty and love these last few years. I cannot wait to introduce you to the next chapter of my fragrance journey — I promise I won’t be gone for too long.”

Tumanggi naman si Kardashian na sabihin kung kailan magaganap ang relaunch.

Please follow and like us: