Klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan, suspendido mula Mayo 2 hanggang 13 – DepEd

Suspendido ang mga klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan simula Mayo 2-13.

Ayon sa Department of Education (DepEd), ang suspensiyon ay bunsod ng mga aktibidad na may kaugnayan sa nalalapit na halalang pambansa.

Sinabi ng ahensiya na ang suspensiyon ay nakapaloob na sa DepEd Order No. 29, s. 2021 na inisyu noong Agosto. .

Ayon sa kagawaran . . . “Ang mga guro ay inaasahan pa ring mag-report sa kanilang paaralan sa mga araw na walang election-related duties o activities.”

Ang halalang panglokal at pambansa ay gaganapin sa Mayo a-nueve.

Please follow and like us: