Klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Albay, kinansela na matapos itaas sa Alert level 4 ang status ng Bulkang Mayon….Mga residente pinayuhang manatili sa kanilang mga tahanan at magsuot ng face mask

 

Sinuspinde na ang lahat ng klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan ng Albay matapos itaas sa Alert level 4 ang kalagayan ng Bulkang Mayon.

Kasabay nito, pinayuhan ni Albay Governor Al Francis Bichara ang mga residente lalu na ang mga naninirahan sa third district na magsuot ng face mask at manatiling nasa loob ng kani-kanilang mga tahanan upang maiwasang makalanghap ng usok.

Aabot sa 10 kilometrong ash column o abo ang maaaring maabot ng Alert level 4.

 

=== end ===

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *