Kopya ng 2022 National budget na nagkakahalaga ng 5.024 trilyong pisong, hinihintay na ng Malakanyang para mapirmahan na ni Pangulong Duterte

Pinasalamatan ng Malakanyang ang mga mambabatas ng dalawang kapulungan ng kongreso sa pagpapatibay sa 2022 National budget na nagkakahalaga ng 5.024 trilyong piso.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na hinihintay na ng Malakanyang ang kopya ng National budget para agad na malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Nograles,mahalaga ang National budget dahil nakapaloob dito ang pondong gagamitin sa patuloy na pagtugon ng pamahalaan sa pandemya ng COVID-19 at pagpapatupad ng mga socio economic program upang maisulong ang pagbangon ng buhay at kabuhayan ng bansa.

Inihayag ni Nograles na titiyakin ng Duterte administration na magagamit sa wasto ang pera ng taongbayan upang matupad ang mga ipinangakong pagbabago sa gobyerno na pakikinabangan ng susunod na henerasyon.

Vic Somintac

Please follow and like us: