Koreans top tourists sa bansa ngayong 2023

Nanguna ang mga Koreano sa may mataaas na source ng international arrivals sa bansa ngayong taon.

Kasunod ito ng pagdating sa Cebu nitong Huwebes, April 14, ng nasa 1,400 Korean tourists.

Ang mga nasabing Koreano ay ang unang batch mula sa apat na incentive group mula sa South Korea na nakatakdang bumiyahe sa Pilipinas.

Sa tala ng Department of Tourism (DOT), pumalo na sa mahigit 1.5 million foreign arrivals ngayong 2023.

Sinabi pa ng DOT na mula noong 2022 ay may significant na pagtaas ng Korean arrivals kung saan 428,014 ang dumating.

Katumbas ito ng 16.13% sa lahat ng mga dumating na banyaga noong 2022.

Pero pangalawa lang ang Korea noong 2022 bilang top source market kasunod ng US.

Bago ang pandemya, ang Korea ang numero uno pagdating sa visitor arrivals sa Pilipinas noong 2019 o nasa halos 2 milyon.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *