Korte Suprema pinaboran ang hirit na TRO ng tatlong pang party-list groups

Nakakuha ng TRO mula sa Korte Suprema ang tatlo pang party-list groups laban sa pagbasura ng COMELEC sa kanilang registration.

Ang mga ito ay ang Friends of the Poor and Jobless (FPJ) Party-list, AKO BREEDER, at Laban ng Isang Bayan Para sa Reporma at Oportunidad (LIBRO).

Sa magkakahiwalay na resolusyon ng Supreme Court En Banc, ipinagutos nito sa poll body na ipahinto ang implementasyon ng kautusan at resolusyon nito na nagdidiskuwalipika sa tatlo bilang party-list group.

Inatasan din ng SC ang COMELEC na magsumite ng komento sa petisyon ng mga grupo sa loob ng 10 araw.

Una na ring nagisyu ang SC ng TRO laban sa pagbasura ng COMELEC sa akreditasyon ng pitong iba pang party-list groups.

Idinagdag naman na ng poll body ang nasabing pitong grupo sa partylist candidates sa official ballots.

Moira Encina

Please follow and like us: