Kris Aquino naghain ng 9 na counts ng cyber libel laban sa abogadong si Jesus Falcis

Nagtungo sa DOJ ang TV host at aktres na si Kris Aquino para kasuhan ang abogadong si Jesus Falcis na kapatid ng kanyang nakaaway na dating business partner na si Nicko Falcis.

Siyam na counts ng reklamong cyber libel ang inihain ni Aquino laban sa batang abogado.

Ayon kay Aquino, ang reklamo ay bunsod ng mga malisyoso at mapanirang-puri pahayag ni Atty Falcis sa social media laban sa kanya na nakaaapekto sa kanyang mga anak.

Kasama ni Kris na nagpunta sa DOJ ang anak niyang si Bimby.

Una nang kinasuhan ni Kris ng qualified theft ang kapatid ni Atty Falcis na si Nicko dahil sa pagsimot sa pera ng kanyang kumpanya na Kris Cojuangco Aquino Productions kung saan ito ang managing director.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *