Labing-anim patay sa bus accident sa Peru

The bus was traveling from Lima to the city of Ayacucho when it rolled down a ledge, landing upside down Cinthya Carbajal / AFP

Hindi bababa sa 16 katao ang namatay sa Peru, nang gumulong ang isang bus sa bulubunduking rehiyon ng Ayacucho.

Ang bus ay may sakay na mahigit sa 40 pasahero sa bahagi ng Andes, kung saan karaniwan na ang mga trahedya.

Sinabi ni Ayacucho official Wiber Vega, “13 bodies had already been recovered and three more had yet to be retrieved from under the bus. Yes, we have 16 dead.”

Aniya, “Bad weather including falling hail was delaying the recovery of the remaining bodies.”

Sinabi ng health ministry, na nangyari ang aksidente habang ang bus ay bumibiyahe galing Lima patungo sa siyudad ng Ayacucho, sa isang zigzag portion ng Libertadores highway.

Ang bus ay bumaligtad at gumulong pababa, at nag-landing nang nakabaligtad.

Ang naturang mga aksidente ay malimit mangyari sa Peru, at ilan sa mga isyu ay ang mabilis na pagpapatakbo ng mga tsuper at hindi maayos na pagmamantini sa mga kalsada.

Noong lamang Abril 30, hindi bababa sa 25 katao ang namatay nang mahulog ang isang bus sa bangin sa Cajamarca region.

Ang Peru ay nakapagtala na ng kabuuang 3,138 pagkamatay bunga ng traffic accidents noong 2023, ayon sa Ministry of Transportation.

Pitompung porsiyento ng mga aksidente ay may kinalaman sa tao, gaya ng driver na pagod o hindi maayos magmaneho batay sa official data.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *