Labor Secretary Bienvenido Laguesma nabiktima ng scammer

Kauupo palang sa pwesto ay nabiktima na agad ng mga scammer na gumagamit ng pangalan ng mga opisyal ng gobyerno si Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

Ayon kay Rolly Francia, direktor ng Information and Public Service ng Department of Labor and Employment, may nakarating na impormasyon sa kanila na may mga gumagamit ng pangalan ni Laguesma para makapagsolicit o makahingi ng pera sa ilang negosyante.

Ang karaniwang binibiktima umano ay mga negosyo o kumpanya na may issues at concerns sa DOLE.

Hinikayat naman ng DOLE ang publiko na agad ireport sa kanila kung makatanggap ng mga ganitong uri ng solicitation letter.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: