Laguna, pinakamaraming nabakunahan laban COVID sa Nat’l Vaccination Days sa buong bansa

Ang Laguna ang nakapagtala ng pinakamaraming nabakunahan kontra COVID-19 sa malawakang vaccination drive ng gobyerno mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 sa buong CALABARZON at maging sa buong bansa.

Sinabi ni Laguna Governor Ramil Hernandez na lagpas 256,000 katao ang naturukan ng COVID vaccines sa National Vaccination Days.

Courtesy: Gov. Ramil Hernandez FB

Higit din aniya ang nasabing bilang sa target ng lalawigan na mabakunahan na 210,660 indibiduwal kaya umabot sa 122% ng target ang naturukan sa Bayanihan Bakunahan sa Laguna.

Pinasalamatan ng gobernador ang LGUs, healthcare workers, at volunteers sa probinsya kaya naisagawa nang maayos at matagumpay ang vaccination drive.

Moira Encina

Please follow and like us: