Lahat ng opisina sa Korte Suprema, magbubukas simula sa Mayo 3-14

Bukas na simula sa May 3, Lunes ang lahat ng tanggapan sa Korte Suprema.

Sa abiso mula sa Office of the Clerk of Court, sinabi na bukas ng alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon ang mga opisina ng Supreme Court mula Mayo 3 hanggang Mayo 14.

Ito ay para sa paghahain at service ng pleadings, mosyon, at iba pang court submissions sa Korte Suprema.

Una nang sinuspende ang nasabing filing sa Supreme Court bunsod ng pisikal na pagsasara ng mga hukuman.

Samantala, mananatiling sa pamamagitan ng videoconferencing isasagawa ang pagpapatuloy ng oral arguments ng Korte Suprema sa mga petisyon kontra sa Anti- Terrorism law.

Moira Encina

Please follow and like us: