Lalaki, patay sa pamamaril sa Malabon city

Isang lalaki ang patay matapos pagbabarilin sa Plata St. Tugatog, Malabon.

Nangyari ang pamamaril kaninang ala-1:00 ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Marlon Santiago na nasa edad 20-anyos, at residente sa nasabing lugar.

Batay sa initial report ng PNP/SOCO Malabon, ang biktima ay nagtatrabaho bilang pintor ng isang bahay at sa tapat lamang nito nangyari ang pamamaril.

Nilapitan umano siya ng isang lalaki at pinaputukan ng 7 beses na agad ikinamatay ng biktima.

Agad namang tumakas ang suspek lulan ng motorsiklo.

Napag-alaman din na nagpa-blotter ang biktima noong Dec. 5, 2020 dahil may humahabol umano sa kaniya at nagbantang papatayin siya.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP-Malabon kung may kinalaman ang pagpapa-blotter ng biktima at alitan ng mga gang sa posibleng dahilan ng pamamaril.


Mark Leo Pernia, EBC correspondent

Please follow and like us: