Legarda, pangalawa sa bilangan sa pagka-Senatoriables; naging emosyunal

Naging emosyunal si Senador Elect Loren Legarda na pumangalawa pa rin sya sa mga kandidato sa pagka Senador na nanalo sa katatapos na eleksyon.

Sa kabila ito ng mga black propaganda laban sa kanya ng mga kalaban sa pulitika.

Tinukoy ng Senador ang paggamit ng kaniyang mga kalaban sa kaniyang anak para sirain ang kaniyang kandidatura.

Inamin ng Senador na nasaktan siya pero sa halip ay nag focus na lamang sa kaniyang pangangampanya at pagpapaliwanag sa tao ng kaniyang mga naipasang batas.

Wala na raw syang balak gantihan pa ang mga nanira sa kanya at hindi gagawin ang maruming laban sa pulitika.

Nagpasalamat naman si Legarda sa publiko na nagbigay ng suporta para muli syang maluklok sa Senado.

Magpo focus raw siya ngayon sa pagta trabaho at paggawa ng mga batas para i angat pa ang buhay ng mga kapwa Pilipino.

Meanne Corvera

Please follow and like us: