LGU Masinloc, nagsimula nang mamahagi ng educational assistance

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Masinloc, sa Zambales ang pamamahagi ng educational assistance program fund para sa mga mag-aaral na nasa high school, at maging para sa mga nasa pribadong eskwelahan ng elementarya.

Pinangunahan ito ng kanilang alkalde na si Mayor Senyang Jalata Lim, kasama ng ilang kasapi ng Sangguniang Bayan at mga Public Employment Service Office (PESO) staff.

Namahagi rin ng mga face shield at face mask na produkto mismo ng pamahalaang bayan at mga printing materials para sa mga guro, gayundin ang radyo para sa mga piling estudyante na nasa liblib na lugar.

Lubos naman ang pagpapasalamat ng mga tumanggap ng tulong.

Ulat ni Mayvel Tugbo

Please follow and like us: