LGU’s may imbentaryo sa mga nasirang bahay bunsod ng bagyong Odette

Nagsasagawa na ng imbentaryo ang Department of Housing and Urban settlement sa mga bahay na nawasak ng bagyong odette.

Sinabi ni Secretary Eduardo del Rosario na may ugnayan na sila sa National Housing Authority at mga local government units para i assess ang nangyaring disaster.

Dito ibabatay kung sino sino ang mabibigyan ng financial assistance ng gobyerno.

Sa ngayon habang wala pang datos bibigyan muna aniya ng shelter kits tulad ng mga tolda at tarpaulin ang mga nawalan ng bahay para may pansamantalang masisilungan.

Meanne Corvera

Please follow and like us: