Libreng sakay para sa mga kababaihan sa MRT at LRT ngayong araw

May libreng sakay para sa mga kababaihan ang Metro Rail Transit Line-3 at Light Rail Transit o LRT ngayong araw.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s day.

Alas-7:00 ng umaga nagsimula ang free ride hanggang alas-9:00 ng umaga at susundan naman mamayang alas-5:00 ng hapon na tatagal ng hanggang alas-7:00 ng gabi.

 

================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *