Librong tumatalakay sa kasaysayan ng 142 Barangay sa QC, ilulunsad

Inaanyayahan ng Quezon City local government ang mga residente na daluhan ang isasagawang book launching ngayong araw.

Ayon sa City Government, ang aklat ay may title na Journey to Early Beginnings ng Quezon City Barangay.

Mababasa sa nabanggit na aklat ang kasaysayan ng bawat barangay mula sa kanilang pagsisimula hanggang sa kanilang pakikibaka lalo na sa panahon ng Pandemya.

Ang nasabing aktibidad ay pangungunahan ng QC publication section-Library extension division ng QC Public library sa pakikipagtulungan ng District libraries division at MIS Section.

Naka-livestream ito sa FB page ng City government.

Belle Surara

Please follow and like us: