Lima patay sa tumaob na Bangka sa Romblon

pcg

Courtesy of Wikipedia.org

Lima ang patay matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Romblon.

Ayon sa Philippine Coast Guard, umalis sa Sibuyan Island ang MB Alan Express 2 kaninang tanghali at patungo sana sa Romblon Port.

Pero tumaob ang bangka dahil sa malakas na alon dahilan para masawi ang 5 sa limampung sakay nito.

Patuloy pa rin ang isinasagawang rescue operations ng Coast Guard sa iba pang pasahero ng bangka.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *