Lima sa anim na kawani ng Mataas na kahoy, Batangas MTC nagpositibo sa COVID-19

Pisikal na sarado hanggang sa Nobyembre 5 ang Mataas na kahoy, Batangas Municipal Trial Court.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, lima sa anim na empleyado ng nasabing korte ay nagpositibo sa COVID-19.

Naka-lockdown ang hukuman mula pa noong Oktubre 23.

Pero, tuloy ang operasyon ng MTC sa pamamagitan ng kanilang email addresses at mga hotlines.

Moira Encina

Please follow and like us: