Limang siyudad sa Metro manila zero sa bagong COVID-19 cases – OCTA

Limang lungsod sa Metro manila ang walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 .

Ayon sa OCTA Research group, kabilang dito ang Malabon,Muntinlupa ,Navotas,Pasig city at Valenzuela city.

Nasa single digit naman ang bagong dagdag na kaso ng COVID-19 sa Maynila na nasa siyam; Quezon city – pito;Caloocan city- anim; Makati city – apat; Parañaque city – tatlo at Las piñas city – dalawa.

Samantalang tig-isang bagong infection ang napadagdag sa Mandaluyong city; Marikina city; San juan city at Pateros.

Ang dalawang may pinakamataas na bagong dagdag na kaso ng COVID-19 ay ang Pasay city na may dalawampu’t apat.at Taguig city na may sampu.

Animnapu’t siyam ang kabuuang bilang ng napadagdag na bagong kaso ng COVID-19 sa NCR kahapon.

Please follow and like us: