Lindol sa Mexico, lima na ang naitalang patay

Lima ang patay matapos tumama ang magnitude 8.1 na lindol sa Southern Coast ng Mexico.

Batay sa report , dalawa sa mga nasawi ay naitala sa Mexico’s Chiapas state,dalawa sa Tabasco state at isa sa Guatemala.

Dahil sa lakas ng pagyanig naramdaman din ito  sa Mexico City na nagdulot ng takot at panic sa mga residente .

Sa ulat ng US Geological survey , natukoy ang epicenter ng lindol sa layong isang daang kilometro timog kanluran ng Pijijiapan .

May lalim ang lindol na tatlumput limang kilometro.

Sa ngayon patuloy na nakakapagtala ng malalakas na aftershocks ang ahensya.

Ulat ni: Marinell Ochoa

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *