Lingap sa Mamamayan isasagawa sa ilang barangay sa Gapan City

Photo credits: INC Media Bureau

Isang linggo bago ang isasagawang lingap sa mamamayan ng Iglesia ni Cristo, ay personal na nagsadya ang kinatawan ng INC na si Bro. Daniel V. Llagas Sr, tagapangasiwa ng Distrito ng Sta. Rosa Nueva Ecija, sa tanggapan ng Punong Lunsod ng Gapan na si Mayor Emerson “Emeng” Pascual.

Ito ay para iparating sa kanilang kaalaman ang proyektong ito ng INC, kung saan mamamahagi ng goody bags na naglalaman ng bigas at groceries.

Malugod namang tinanggap ni Mayor Pascual si Bro. Llagas at nagpasalamat na ang kanilang lungsod ay kabilang sa makikinabang sa proyekto ng inc.

Photo credits: INC Media Bureau

Isa sa mga lugar na napiling pagdausan ng lingap sa mamamayan, ang Sitio Punot, sa Baranggay San Roque.

Isasagawa ang lingap sa mamamayan, sa mismong araw ng pagsilang ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC na si Bro. Eduardo V. Manalo, sa darating na Sabado, Oktubre 31.

Bhelle Santiago

Please follow and like us: