Lingap sa Mamamayan, isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Isabela

Sa pangunguna ng Felix Y. Manalo Foundation, ay nagsagawa ng Lingap sa Mamamayan ang Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Tuguegarao, Baggao, Alcala, Amulung, Solana, Cabagan, at San Pablo sa Isabela.

Humigit kumulang sa 4,500 goody bags ang ipinamahagi s amga mamamayan sa nabanggit na mga bayan, na naapektuhan ng matinding pagbahang dulot ng bagyong Ulysses at pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam.

Pangunahing pinagkalooban ng lingap ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo at ang mga nasa proseso ng pag-anib dito.

Bakas ang kagalakan na nagpasalamat ang mga miembro ng Iglesia Ni Cristo sa Tagapamahalang Pangkalahatan, ang kapatid na Eduardo V. Manalo sa tulong na ipinagkaloob sa kanila sa pamamagitan ng Felix Y. Manalo Foundation.

Ulat ni Nhel Ramos

Please follow and like us: