Listahan ng mga botante sa 15 bayan sa Lanao del Sur para sa SK at Brgy. elections hindi pa nakukumpleto ng COMELEC dahil sa bakbakan sa Marawi City

Hindi pa nakukumpleto  ng Comelec ang voters’ list sa labing limang bayan sa Lanao del Sur para sa SK at Brgy. elections sa Oktubre dahil sa bakbakan sa Marawi City.

Pero ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, ginagawa naman ng mga Comelec field personnel ang lahat para magampanan ang kanilang trabaho.

Sa ilalim ng Voters Registration Act of 1996, siyamnapung araw bago ang regular election, kinakailangang maihanda at makapag-post ang Election Registration Board ng certified voters list o CVL.

Sa binalangkas na calendar of activities ng Comelec para sa nalalapit na Barangay at SK Elections, itinakda ang huling araw ng paglalathala ng CVL sa July 25, 2017.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *